'Masahol pa sa hayop'
Posted By Mindanao Examiner | Thursday, October 03, 2013 07:23:23 PM


    
Ang screen grab ng pagpapahirap at pagpatay sa tuta ng tatlong babae. (Mindanao Examiner Photo)

COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Oct. 3, 2013) Kalat ngayon sa Facebook ang isang video ng tatlong babae na nagmalupit at pumatay sa isang tuta at naging viral na ito sa social media.

Napuno ng katakot-takot na pagbatikos at pagmumura mula sa mga Pinoy netizens ang naging mensahe laban sa tatlong di-kilalang kababaihan.

Pulos iyak na lamang ng tuta ang maririnig sa video at sa ilang bahagi nito ay halos hindi na makabangon ang aso sa pinsalang tinamo ng kanyang laman-loob at makikitang gumagapang na lamang ito na tila nagmamakaawa, subali't tila hayuk naman ang mga nagpapahirap sa kanya.

Umabot sa mahigit 19 minuto ang video clip na kung saan ay makikitang pinagsisipa at inapak-apakan at pinahirapan at tinortyur ng husto ang tuta hanggang sa ito ay mamatay.

Hindi pa nasiyahan ang mga babae sa brutal na ginawang pagpatay ay halos mapipi naman katawan at ulo ng kaawa-awang sa kanilang pagtalon sa hayup.

Si Cheche Mae, na isa sa mga nakapanood ng video ang hindi makapaniwala sa nakitang pagpapahirap sa tuta at ikinalat ito sa Facebook.

I have to post this video as well, not just to share it dahil alam naman nating lahat na sharing would have lesser audience at feeling ko makakatulong ako by posting this and also reporting it to PAWS (Philippine Animal Welfare Society) website. Grabe lumong lumo ako nung napanuod ko to, hindi ko mapigilang murahin ng ilang beses yung mga babae sa video na ito. Hindi ko natapos yung video kase sobrang nakakapanghina yung mapapanuod nyo. All credits sa uploader nito, wika ni Cheche sa kanyang Facebook account.

I just want them to be jailed or something. Basta maparusahan sila ok na ko. Gusto ko yung kasing lala ng ginawa nila dito sa kawawang tuta na to. I'm a dog lover and it breaks my heart na ganito yung ginagawa ng ibang tao sa mga aso. Personally I would love them to be raped by my dogs. That's how I hate them. Manganak sana kayo ng mga batang mukhang tuta! PWE!, dagdag pa nito.

Hindi naman agad mabatid kung mga Pinay ba ang tatalong babae at kung taga-saan ang mga ito. (Mindanao Examiner)




 
Protect Freedom of the Press!




Google
 

© The Mindanao Examiner, 2006-2013. All Rights Reserved.